Wika Natin ang Daang Matuwid
Taun-taon sa buwan ng Agosto, ang buong nasyon ay nagdiriwang sa ganitong uri ng gawain. Sa katunayan, para ibahagi ang mensahe sa mga Pilipino sa nag-iisang tema.
Ang tema sa buwan ng wika para sa taong ito ay, "Wika Natin ang Daang Matuwid". Ang wika ay napakahalaga sa isa't isa. Kadalasan, Ingles ang salitang ginagamit ng mga taong propesyonal o mga taong may matataas na posisyon sa kailang trabaho. Nakakalimutan na nila ang salitang Filipino. Pero teka, tama nga ba ito? Para sa akin hindi! Nararapat lamang na tayong mga Pilipino ay magsalita ng ating sariling wika, ang wikang Filipino. Bakit? Dahil dito tayo namulat at dito natin nakita ang unang liwanag. Dapat lamang na gamitin at pahalagahan nati ito. Para kapag pupunta ka man sa ibang bansa, mas magkakaintindihan kayo sa mga taong makakausap mo. At para maiwasan ang "misunderstanding" o ang hindi pagkakaintindihan.
Kaya ano pang ginagawa niyo? Tara! Ibahagi natin ito sa ating mga kapwa Pilipino. Ngayon, bukas at magpakailanman, magsasalita na tayo ng ating sariling wika! Dahil ito ang pamana ng makaraan at yaman ng kasalukuyan. Ito ang iyong gabay natin tungo sa daang matuwid.
No comments:
Post a Comment